Pangulong Duterte, dadalaw sa Russia sa Lunes

2017-05-20 14:49:41

NAKATAKDANG umalis patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, ika-22 ng Mayo sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin.  Magtatagal siya sa Russia hanggang sa Biyernes, ika-26 ng Mayo.

Ito ang sinabi sa isang press briefing ni Foreign Affairs Asst. Secretary Maria Cleofe Natividad ng European Affairs Office.  Magbubukas umano ng bagong bahagi ng Kasaysayan ng bansa ang pagdalaw na ito upang higit na sumigla ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagdiwang na ang Pilipinas at Russia ng ika-40 taon ng diplomatic relations noong nakalipas na 2016.

Bahagi ito ng bagong partnerships na nais itatag ni Pangulong Duterte sa mga bansang non-traditional trading partners ng Pilipinas.  Nagkita na sina Pangulong Duterte at Putin sa APEC Summit Meeting sa Lima, Peru noong nakalipas na taon.  Nagkita na rin sina Pangulong Duterte at Prime Minister Medvedev noong Setyembre ng 2016 sa ASEAN Summit.

Magiging mahalaga ang mga pagpupulong nina G. Duterte, Putin at Medvedev.  Lalagda ang dalawang bansa sa mga kasunduan hinggil sa defense, security, legal assistance, trade and investment, payapang paggamit ng nuclear energy at kultura.

Sa Moscow, magsasalita si G. Duterte sa Moscow State Institute of International Relations at ipaliliwanag ang kanyang independent foreign policy na nakatuon sa interes ng Pilipinas.

Mumunti ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa at umaasa si Assistant Secretary Natividad sapagkat ang kalakal noong nakalipas na taon ay umabot lamang sa US$ 226 milyon at nakapagbenta ang Pilipinas ng may halagang US$ 49 m sa Russia.  Lalahok si Pangulong Duterte sa Philippine-Russia Business Forum.

Nakatakdang pag-usapan ang kalakal sa larangan ng energy, transportation, tourism at pagawaing-bayan.  Makakaharap din niya ang mga Filipino sa Russia.  Mayroon umanong mga 5,000 Filipino sa Russia.

Dadalaw din siya sa St. Petersburg.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino