Bagong Interior and Local Government Secretary, mauupo na sa June 2

2017-05-20 14:50:30

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si AFP Chief of Staff General Eduardo Ano na maupo na bilang Interior and Local Government Secretary sa Biyernes, ikalawang araw ng Hunyo.

Binanggit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kautusan ni Pangulong Duterte sa panayam sa mga mamamahayag sa pagtatapos ng RP-US Balikatan sa Campo Aguinaldo.

Pinakiusapan umano ni Secretary Lorenzana si Pangulong Duterte na huwag munang alisin sa AFP si General Ano sapagkat may mga gagawin pa subalit sinabi ng pangulong dapat na sa DILG na ang general sa Biyernes.

Hindi pa batid kung sino ang papalit na AFP Chief of Staff kay General Ano.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino