Public Attorney's Office, naningigang maayos ang pagpapalaya kay Lt. Col. Marcelino

2017-05-20 14:52:07

SINABI ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na walang masama sa desisyon ng Department of Justice na pumabor kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino at Tsinong kapwa akusado.

Ito ang tugon ni Atty. Acosta sa pahayag ng pulisya na magiging masama ang epekto nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.  Ang Public Attorney's Office ang nagsilbing abogado ni Col. Marcelino ay ng kanyang kapwa akusado na si Yan Yi Shou.

Ayon kay Atty. Acosta, walang pagkakamali sa resolusyon ng Department of Justice na naging dahilan upang iurong ang kasong drug possession nan a sa Manila Regional Trial Court Branch 49. 

Nilagdaan ni Judge Daniel Villanueva ang release order matapos bigyang pansin ang motion to withdraw ng Department of Justice.  Idinagdag pa ni Judge Villanueva na ang kanyang desisyon ay sa interes ng katarungan at exercise of sound discretion.

Lumabas na si Marcelino sa piitan sa Campo Aguinaldo kahapon samantalang pinalaya na si Yan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaninang umaga.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino