Hindi muna magpapadala ng mga manggagawa sa Qatar

2017-06-06 18:28:15

WALANG manggagawang Filipino na maglilingkod o magtatrabaho sa Qatar sa gitna ng problema sa mga bansang magkakalapit sa isyu ng terorismo. Ito ang unang pagkakataong ipinagbawal ang pagpapadala ng mga manggagawa ng walang alert level.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press conference na ipinagbawal ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Qatar isang araw matapos tapusin ng Saudi Arabia, United Arab Emirates at Bahrain ang diplomatic relations sa Qatar dahil sa umano'y suporta ng Qatar sa mga extremist groups sa kanilang mga bansa.

Walang pagpoprosesp, walang aalis at kailangang suspendihin ang pagpapadala ng mga manggagawa mula ngayong Martes. Nakikita umano nilang magkakaproblema sa Qatar sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Secretary Bello na sapagkat walang sariling sakahan ang Qatar, kung anuman ang mangyari at maubos ang kanilang pagkain, posibleng magkaroon ng food riots at magiging biktima ang mga OFW.

Pinayuhan na rin ang mga recruitment agencies na tiyakin ang kalagayan at kaligtasan ng kanilang mga manggagawang na sa Qatar. Kung hindi magkakaroon ng food riots, hindi magkakaroon ng repatriation, dagdag pa ni Secretary Bello.

Pinag-aaralan pa ng Department of Labor and Employment ang mga nagaganao sa Middle East.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino