Ama ng mga Maute, nadakip sa checkpoint sa Davao

2017-06-06 18:31:57

NADAKIP ng mga pulis sa Davao City si Cayamora Maute, kasama ang kanyang maybahay, anak na lalaki at manugang.

Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, nadakip si Cayamora Maute ng mga tauhan ng Davao PNP sa isang checkpoint kanina. Kinilala ni Sr. Supt. Alexander Tagum, Davao City Police Chief sina Cayamora samantalang patungo umano sa pagamutan dahil sa mataas na blood pressure ng ama ng magkapatid na Maute.

Kasama si Cayamora Maute sa 100 mga tauhang ipinadarakip ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Idinagdag ni Brig. General Restituto Padilla na maayos ang pagtrato ng pamahalaan sa maysakit na si Cayamora Maute.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino