May 100 Maute ang nananatili sa commercial district ng Marawi

2017-06-06 18:34:28

SINABI ni General Eduardo Año na mayroong 100 mga Maute na nasa commercial district ng Marawi sa pagpasok ng sigalot sa ika-15 araw.

Ayon sa ulat ng kanyang ground commander, mayroon pang 100 Maute na nasa Bangolo area. Katatagpuan sa pook na ito ang maraming gusali. May 10% ng Marawi City ang nasasakop ng Bangolo area kasunod na matagumpay na clearing operations sa pook.

Hinahanap pa rin si Isnilon Hapilon at sina Abduhallah at Omar Maute. Inaalam pa rin nila ang ulat na napaslang si Omar sa air strike ng militar. May P 10 milyong nakalaan para sa pagkakadakip kay Hapilon samantalang tiglilimang milyon naman ang pabuya sa magkapatid na Maute. Matagal na umanong pinaghandaan ng mga Maute ang pagpasok sa Marawi City sa panahon ng Ramadan.

Subalit naniniwala si General Ano na nauubusan na ng bala ang mga kalaban ng pamahalaan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino