Klase, nagsimula na kahapon

2017-06-06 18:36:05

SINABI ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na higit sa 13 milyong kabataan ang pumasok na sa mga paaralan kahapon.

Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Briones na pumasok na rin ang mga batang mula sa Marawi City sa iba't ibang bahagi ng bansa. Karaniwang nakikitira sila sa mga kamag-anak hanggang sa Tarlac at Metro Manila. Hindi na muna nila hinanapan ng mga dokumento ang mga kabataang lumipat ng paaralan.

Di tulad ng inaakala ng nakararami. Umabot lamang sa 1.5 % ang kakulangan ng mga silid aralan sa mababang paaralan, mayroong kakulangan ng 1.9% sa junior high school samantalang 6.56% ang kakulangan ng mga silid sa senior high school.

Wala na umanong mga batang nag-aaral sa ilalim ng punong mangga. Naganap umano ito noong panahon niya bilang isang mag-aaral.

Idinagdag pa ni Secretary Briones na ang problema ay ang lupang pagtatayuan ng mga silid - aralan.Halimbawa na umano ang Marikina na nais bumili ng lupain para pagtayuan ng paaralan subalit walang nais magbili. Wala ring gustong magkaloob sa pamahalaan ng sapat na lupain para sa paaralan.

May mga pook na sobra ang mga guro samantalang may mga pook na kulang sa mga guro, dagdag pa ng kalihim. Umaabot lamang sa 1.5 % ang kakulangan ng mga guro.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino