Paghahanda para sa 2017 Filipino-Chinese Friendship Games, ginagawa na

2017-06-06 18:37:57

PINAMUMUNUAN ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry at ng Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation at Philippine Sports Commission ang paligsahan sa larangan ng table tennis, badminton, basketball at golf sa pagdiriwang ng 2017 Filipino-Chinese Friendship Games para sa ika-41 taon ng Philippine-China Diplomatic relations at ika-16 na Filipino-Chinese Friendship Day.

Gagawin ang patimpalak sa table tennis sa ika-18 ng Hunyo sa FFCCCII Building Multi-Purpose Hall, ang Baskaetball ay sa Biyernes, ika-siyam ng Hunyo sa Chiang Kai Shiek College gymnasium, Badminton sa Sabado, ika-24 ng Hunyo sa Rizal Memorial Sports Complex at Golf sa Huwebes, ika-29 ng Hunyo ganap na ika-walo ng umaga sa Wack-Wack Golf Club.

Kasama sa mga palaro ng mga kinatawan ng iba't ibang Filipino-Chinese Associations, ahensya ng pamahalaan, Chinese Embassy at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino