Naganap sa Bank of Philippine Islands, sisiyasatin ng Senado

2017-06-13 18:23:42

HINILING ni Senate President Aquilino Pimentel III sa pamamagitan ng isang resolusyon, na siyasatin ng Senado ang naganap na problema sa sistema ng Bank of Philippine Islands na nakaapekto sa mga tagatangkilik ng bangko.

Sa kanyang Senate Resolution 403, hiniling ni Ginoong Pimentel na siyasatin ng Senate Committee on Banks at iba pang komite ang sinasabing “internal data processing error.”

Nasira umano ang imahen ng BPI, isa sa pinakamalaki at pinakamatandang bangko sa Pilipinas.

Kahit pa iisang bangko ang apektado, ipinaliwanag nik G. Pimentel na mabuti nang mabatid ang mga ginagawa ng iba pang bangko upang maiwasan ang kahalintulad na suliranin sa mga susunod na araw.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino