Kaligtasan ng mga pasahero, titiyakin

2017-06-16 17:08:36

 

KAILANGANG suriin ang mga bagon ng mga treng ginagamit ng Metro Rail Transit 3 kaya't nagbawas sila ng biyahe mula kaninang umaga at inaasahang makababalik sa normal na operasyon bukas ng umaga.


Sa isang panayam kay Transport Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez, sinabi niyang mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kahit pa mahihirapan ang karamihan sapagkat bukod sa kabawasan ng mga tren, bumagal pa ang biyahe ng mga nagyayaot sa Epifanio Delos Santos Avenue mula Quezon City hanggang Pasay City.


Tuloy ang safety inspection ng Metro Rail Transit 3 ayon kay retired General Rodolfo Garcia, general manager ng kumpanya.  Magdaragdag ng mga bus ang Metro Manila Development Authority at maging Land Transport Franchising and Regulatory Board.  Walang bayad ang pagsakay sa mga bus na ito bilang tulong ng pamahalaan sa mga pasahero.


Napuna ng isang tsuper ng tren ang kakaibang ingay at paggalaw ng tren, ng Car 64, kaya't ginawa na ang pagsusuri sa mga sasakyang may 17 taon nang ginagamit ng mula 51 hanggang 80,000 pasahero sa bawat araw.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino