Walang Filipinong nasawi sa sunog sa London

2017-06-16 17:09:31

 

WALANG Filipinong nasawi sa malaking sunog na puminsala sa isang 27-palapag na gusaling kilala sa pangalang Grenfell Tower na mayroong 120 mga tahanan sa hilaga ng Kensington.  Hindi pa mabatid ang pinagmulan ng sunog.


Ito ang ibinalita ng Department of Foreign Affairs sa kanilang pahayag kanina.  May ilang katao ang nabalitang nasawi.  Walang iniulat ang Embahada ng Pilipinas na mga nasawing Filipino.  Hindi pa nababatid ang mga pangalan ng mga nasawi hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.  Ilang mga Filipino at Filipino-Briton ang apektado ng sunog at na sa mga pagamutan at evacuation centers.


Inaalam pa ng Embahada ng Pilipinas sa London ang detalyes at pagkakakilanlan ng mga biktima.  Handa rin ang embahada na tumulong sa mga mangangailangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino