Mga mamamayan, ‘di dapat mag-alala

2017-06-29 15:25:40

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan sa kanyang magiging kapalit kung may mangyayari sa kanya sapagkat binabanggit na ito sa Saligang Batas.

Sa kanyang talumpati sa pagpapalit ng pinuno ng Presidential Guards Battalion (Presidential Security Command) kanina na maliwanag ang sinasabi sa Saligang Batas na ang pangalawang pangulo ang papalit sa kanya, si Gng. Leni Robredo.

Kahit pa pangalawang pangulo na si Gng. Robredo, may protesta pa ang natalong kandidato na si dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. Nakarating na sa Presidential Electoral Tribunal ang reklamo.

Sa ilang ulit na pagkawala ni G. Duterte sa mata ng publiko, lumabas ang kung anu-anong balita. Hindi nakadalo sa Independence Day rites si Pangulong Duterte noong ika-12 ng Hunyo at nakitang muli noong ika-17 sa Butuan City. Nagtungo rin siya sa Iligan at Cagayan de Oro cities noong ika-20 at nawala na naman. Kagabi na lamang siya nagpakitang muli.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino