Mga kawal at pulis, magbabahay-bahay sa Iligan City

2017-06-29 17:17:01

 

MAGSASAGAWA ng pagbabahay-bahay ang mga kawal at pulis sa Iligan City sa paniniwalang nagkakanlong ng ilang mga terorista sa mga tahanan doon.  Malaki ang posibilidad na nagpapanggap silang mga evacuee mula sa Marawi City.


Hinihiling ng mga pulis at kawal sa mga naninirahan na maglabas ng kanilang mga identification card.  Kinikilala, inihahambing ang mga larawan sa mga taong nagmula sa Marawi City.  Wala naman umanong reklamo ang mga naninirahan sa Iligan City sapagkat mas mabuting batid nila kung sinu-sino ang nasa kanilang tinitirhan.


Inaaalam din nila ang ulat ng intelligence community na mayroong mga sympathizer ang nakapasok a sa Iligan City.  May 70 hanggang 80% ng mga lumikas sa Marawi City ang nasa Iligan City, partikular sa kanilang mga kamag-anak.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino