Imbestigasyon sa “fake news” suportado ni Secretary Andanar

2017-06-29 17:20:14

 

SUPORTADO ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang gagawing pagsisiyasat sa mga sinasabing “fake news” na ipinatatawag ng Senado.


Sa isang panayam sa telebsiyon, sinabi ni Secretary Andanar na kailangang mabatid ang katotohanan.  Hinihiling ni Senador Joel Villanueva na parusahan ang mga tao, tanggapan at samahan na nag-aalok, naglalathala, namamahagi ng maling balita sa pahayagan, radyo't telebisyon at maging sa social media.


Nanawagan din si Senador Grace Poe, chairpeson ng Senate Committee on Public Information na magsiyasat sa “fake news” na lumabas matapos maglabas ng pahayag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagsasabing may ilang mambabatas ang nakipag-usap sa mga pamilya ng mga politiko sa Marawi City bago sumiklab ang labanan.


Binawi naman ni Secretary Aguirre ang pahayag. 


Sa panayam, sinabi ni Secretary Andanar na kailangang alamin kung ano ang kahulugan ng balita.  Nais niyang mabatid kung ang isang taong may libu-libong tagasunod, kung maglalabas na umano ng kwento ay hindi kaagad maituturing na balita.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino