Dalawang abusadong pulis, ipatatapon sa ARMM

2017-07-05 08:14:22

DADALHIN sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang dalawang pulis na nakunan ng video samantalang nananakit sa dalawang taong nadakip sa Mandaluyong.

Ayon kay National Capital Region Police Director Oscar Albayalde, nakitang mayroong grace abuse of authority.  Isang paraan lamang ang paglilipat sa kanila na mawala sa kanilang comfort zone.  May posibilidad umanong magbago ang dalawang pulis na sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez. 

Unang binanggit ni PNP Director General Ronald dela Rosa na nais niyang ipatapon sa Marawi City ang dalawang abusadong pulis.

May higit na sa 1,500 mga pulis mula sa National Capital Region Police Office ang naipadala sa iba't ibang rehiyon dahilan sa reklamong natanggap ng himpilan mula sa mga mamamayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino