Pag-uusap ng pamahalaan at National Democratic Front magsisimula sa Agosto

2017-07-05 08:15:33

MAGAGANAP ang ikalimang serye ng pag-uusap ng pamahalaan at National Democratic Front sa darating na Agosto.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestro Bello III matapos makausap si NDF peace panel chair Fidel V. Agcaoili.

Sa isang briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Bello  na magkakaroon ng informal meeting ngayong Hulyo.  Maaring maganap ito sa Asia o sa Pilipinas.  Nais umano ng NDF na gawin ito sa Japan subalit imingukahi ni G. Bello na gawin sa Hong Kong o sa Pilipinas.

Kailangan ito upang maayos ang lahat para sa pormal na pag-uusap sa darating na Agosto.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino