Saligang Batas, kailangang baguhin

2017-07-18 17:39:52

NANINIWALA si dating Senador Francisco S. Tatad na kailangang baguhin ang Saligang Batas na binuo noong 1987 upang makatugon sa pangangailangan ng panahon.

Ito ang sinabi ni G. Tatad sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga. Idinagdag ng dating senador na 'di na kailangan ang pagkakaroon ng sesyon ng mga mambabatas ng mababa at mataas na kapulungan kung may deklarasyon ng Martial Law sapagkat maaaring mawalan ng saysay ang deklarasyon na nararapat nakaatang sa balikat ng pangulo ng bansa.

Hindi niya maunawaan kung bakit pa kailangang mag-sesyon ng Kongreso kung mayroon nang tunay na pananalakay ng ibang bansa at kung magkakaroon ng emergency.

Pananagutan ng pangulo ng bansa ang deklarasyon ng martial law sa alin mang bahagi ng bansa, dagdag pa ni Senador Tatad. Lubha umanong nangamba ang mga bumuo ng Saligang Batas dahil sa karanasan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya't pinalabnaw ang poder ng pangulo ng bansa.

Naniniwala si G. Tatad na kailangan pa ang Martial law sa Mindanao.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino