Edukasyon ng mga kabataan sa Marawi City, may problema

2017-07-18 17:44:57

KAILANGANG matapos na ang sigalot sa Marawi City sa pinakamadaling panahon sapagkat apektado na ang pag-aaral ng mga kabataan na nagsilikas mula sa panganib.

Ito ang pahayag ni Una ang Edukasyon Party List Representative Salvador B. Belaro, Jr. sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga. Bagama't tinatanggap ang mga evacuees sa iba't ibang paaralang pang publiko, iba pa rin ang kinasanayang kapaligiran ng mga mag-aaral.

Ipinaliwanag pa ni Congressman Belaro na kung ang deklarasyon ng Martial Law ang pag-uusapan, naniniwala siyang angkop ang naging desisyon ni Pangulong Duterte noong nakalipas na Mayo 23 samantalang nasa Moscow sa Russia.

Ang mahalaga, ani Congressman Belaro ay ang paggalang sa mga probisyon ng batas, ng Saligang Batas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino