Banyagang kamay, nakikita sa sigalot sa Marawi City

2017-07-18 17:46:47

MALAKI ang posibilidad na may kinalaman ang mga Americano sa nagaganap sa Marawi City, sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng daigdig na ginagalawan ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.

Ipinaliwanag ni Anakpawis Congressman Ariel B. Casilao na maraming dokumento at balitang nagtuturo sa mga tauhan ng Central Intelligence Agency na nasa likod ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan na nakararating na sa ibang bahagi ng daigdig.

Hindi rin sila, sa kanilang grupong Makabayan, sang-ayon sa deklarasyon ng Martial Law sapagkat maliwanag sa kanilang hindi rebelyon o paghihimagsik ang pinag-ugatan ng pananalakay ng mga Maute at kasama na ang ilang mga Abu Sayyaf. Nagmula lamang umano ang gulo sa tradisyunal na rido - ang karaniwang paghihiganti ng mga pamilya sa kanilang mga kinikilalang kaaway.

Kung sila ang tatanungin kung marapat pa ang extension ng Martial Law, tututol pa rin ang kanilang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino