Panganib dulot ng mga terorista, dama ng rehiyon

2017-07-19 17:54:30

 

SINABI ni Singapore Defense Secretary Dr. Ng Eng Hen na ang panganib na dulot ng mga extremist ay nadarama ng buong rehiyon.  Ito ang kanyang mensahe sa kanyang pagdalaw kay Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa Campo Aguinaldo kahapon.


Ayon sa pahayag ng Department of National Defense na inilabas kanina, makakaasa ang Pilipinas sa tulong na Singapore sa pakikidigma sa mga Maute-ISIS sa Marawi City.


Nagpasalamat si Secretary Lorenzana sa alok ng Singapore na tumulong sa larangan ng ISR o intelligence, surveillance at reconnaisance, pagdadala ng mga kagamitan para sa pagtatayo ng bagong Marawi City at pagsasanay sa pagpapahusay at pagpapabuti ng lungsod.  Inialok din ni Dr. Ng and kanilang Humanitarian Assistance/Disaster Relief Center upang maipon ang mga itutulong ng iba't ibang bansa sa reconstruction ng Marawi City.


Unang itinayo ang HA/DR Center sa Singapore upang makatugon sa mga kalamidad na tatama sa ASEAN. 


Sumang-ayon si Secretary Lorenzana sa alok ng Singapore at inutusan na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na suriin ang maitutulong ng singapore sa larangan ng intelligence, surveillance at reconnaisance.  Inialok din at tinanggap na ni Secretary Lorenzana ang pagpapahiram ng C-130 upang magdala ng supplies at magsanay ng mga tauhan sa pagbabangon ng Marawi City.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino