Department of Justice, pinalaya ang 30 sa 44 na pinaghihinalaan sa kidnapping

2017-07-26 15:50:15

 

PINAWALANG-SAYSAY ng Department of Justice ang kasong kriminal laban sa 30 mula sa 44 kataong sangkot umano sa isang kidnap-for-ransom incident.


Unang lumabas sa balita na sangkot ang mga banyaga sa pagdukot kay Wu Yan ng Singapore mula sa isang casino.


Nailigtas si Wu ng mga tauhan ng Bureau of Immigration at PNP Anti-Kidnapping Group sa isang silid sa Bayview International Towers sa Pasay City noong nakalipas na Martes, ika-18 ng Hulyo.


Sinabi ng biktima na puwersahan siyang dinukot sa Solaire Resorts and Casino at dinala sa Bayview International Towers na kinabimbinan niya at binalaan pang papatayin kung hindi magbabayad ng US$ 180,000.


Sa resolusyon ng Department of Justice, sinabing ang 30 ipinagsakdal ay 'di naman nakilala ng biktima. 


May 14 naman ang nagsabing handa silang humarap sa imbestigasyon.


 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino