Pagdalaw ni Minister Wang Yi, matagumpay

2017-07-26 15:52:18

 

PATULOY na makikiisa ang bansang Tsina sa mga ipatutupad na pagawaing-bayan sa ilalim ng Build, Build, Build project ni Pangulong Rodrigo Duterte.  Ito ang tiniyak ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Maynila mula kahapon hanggang kanina.


Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Secretary of Foreign Affairs Alan Peter Cayetano, sinabi ni Minister Wang na masisimulan na ang pagtatayo ng dalawang tulay na tatawid sa Pasig River bago matapos ang buwang ito.


Ipinaliwanag pa niyang magiging aktibo ang Tsina sa pagtatayo ng daang-bakal mula Maynila hanggang Bicol Region, lalahok din sa New Centennial Water Source na kilala sa pangalang Kaliwa Dam sa Quezon Province at maging sa Chico River pump irrigation sa hilagang Luzon.


Sa larangan ng pagsasaka at pangisdaan, sinabi ni Minister Wang na magpapadala ang Tsina ng may 100,000 similya ng lapu-lapu sa mga mangingisda ng Palawan upang matulungan silang madagdagan ang kita at mapataas ang produksyon ng isda.


Unti-unti umanong lumalaki ang mga inaangkat ng Tsina mula sa Pilipinas sapagkat tumaas na naman ang mga panindang binili ng Tsina ng may 10.7%.  Kabilang sa mga paboritong produkto ng mga Tsino ang saging, pinya, mangga at iba pang mga prutas.  Umaasa rin si Minister Wang na bibili ang Tsina ng dragon fruit, durian, niyog at maging abokado.


Sa unang apat na buwan ng taong 2017, halos 400,000 mga Tsinong turista ang dumalaw sa Pilipinas na kinakitaan ng may 40% dagdag sa bilang na nakamtan noong nakaraang taon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino