Koponan mula North Korea, dumalaw sa Maynila

2017-07-27 15:46:33

 

ISANG delegasyong pinamunuan ni Vice Foreign Minister Choe Hui Choi ng North Korea ang dumating sa Maynila kanina at nakipag-usap kay Foreign Undersecretary for Policy Enrique Manalo.


Ayon sa tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs Robespierre Bolivar, layunin ni G. Choe na pag-usapan ang mga paghahanda sa pagdalaw at paglahok ni Foreign Minister Ri Su-yong sa idadaos na ASEAN Regional Forum sa susunod na linggo.


Magugunitang binanggit ni Pangulong Donald Trump na mamimili siya ng paraan upang tugunan mga pagbabanta ng North Korea sa America at mga kaalyado sa Asia.  Kabilang sa kanyang pinamimilian ang military strike.


Sa idinaos na ASEAN summit noong Abril, sinabi ng mga pinuno ng sampung bansa sa rehiyon na ang mga pagsubok ng mga armas na nuklear ng North Korea ang dahilan ng kawalan ng katatagan sa rehiyon at mga kalapit na pook.


Ipinaliwanag ni G. Bolivar na karaniwang dumadalo ang Democratic People's Republic of Korea sa mga pulong ng ASEAN Regional Forum.  Idinagdag pa niyang lumalahok ang North Korea sa Senior Officials and Ministerial Meetings.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino