Wala pang pormal na pagpapatigil ng usapang pangkapayapaan

2017-07-27 15:48:03

 

KAHIT naging maanghang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maka-kaliwang grupo na nakikipag-usap sa pamahalaan, wala pang pormal na pahayag na tinatapos na ang peace negotiations.


Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na kahit walang pormal na dokumento, nananatiling matatag si Pangulong Duterte na tumigil makipag-usap sa National Democratic Front.


Tulad ng mga nakalipas na kasunduan, ang peace talks ay maaaring matigil sa oras na magkaroon ng pormal na dokumentong magsasaad ng pagtigil ng pag-uusap.


Umayaw makipag-usap si Pangulong Duterte sa National Democratic Front matapos tambangan ng mga rebeldeng kasapi sa New People's Army ang kanyang mga tauhan sa Cotabato.


Idinagdag naman ni Secretary Silvestro Bello III, ang government peace negotiatior sa mga Komunista na liliham sila sa National Democratic Front upang pormal na maabisuhang titigil na ang mga pag-uusap.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino