Senate President Pimentel, suportado ang panawagan ng pangulo

2017-07-27 15:49:33

 

SINABI ni Senate President Aquilino Pimentel III na ang mga batingaw ng Balangiga ay bahagi ng kultura ng Pilipinas, kaya't sinusuportahan niya ang panawagan ng pangulo sa Estados Unidos na ibalik na ang mga ito sa bansa.


Tinangay ng mga Americano ang mga batingaw may 116 na taon na ang nakalilipas.  Nabanggit ni Pangulong Duterte ang panawagan sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong nakalipas na Lunes.


Bahagi rin ito ng Kasaysayan ng bansa, dagdag pa ni G. Pimentel.  May tatak pa ang mga batingaw ng Franciscan Order na may taong 1863 at 1869 kasama na rin ang isang kanyong gawa ng mga Ingles noong 1557.  Ang mga ito ay nasa Trophy Park ng F. E. Warrant Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming.


Idinagdag pa ng senador na ang ika-apat na artifact ay isang maliit na batingaw na may tatak ng Franciscan order na may taong 1896 at nasa 9th US Infantry Regiment sa Camp Red Club sa South Korea.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino