Pangulong Duterte ilang ulit na sinabihan si General dela Rosa na ibalik sa trabaho ang kontrobersyal na pulis

2017-07-27 15:52:06

 

INAMIN sa Senado ni PNP Director General Ronald dela Rosa na paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na sa serbisyo ang may kasong si Supt. Marvin Marcos sapagkat sayang ang salapi ng gobyerno.


Ito ang naging pahayag ni Director General dela Rosa sa kanyang pagharap sa Senate Committee on Public Order sa ilalim ni Senador Panfilo Lacson.


Ilang ulit na ring sinabi ni Pangulong Duterte sa media na kailangang makabalik na sa serbisyo si Supt. Marcos na kinasuhan ng pagpatay kay Albuerra, Leyte Mayor Espinosa at sa isang bilanggong nakapiit din sa Sub-Provincial Jail sa Baybay, Leyte.


Para umano sa kanya, ang paulit-ulit na pahayag ng pangulo ay isang utos na hindi niya masusuway.


Itinanong ni Senador Paolo Aquino kung bakit hindi muna inilagay sa “floating status” ang mga ito, ipinaliwanag ni General dela Rosa na si Pangulong Duterte na mismo ang nag-utos sa kanya.


Niliwanag din ni General dela Rosa na hindi naman naka-apekto ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa pagsisiyasat at naging desisyon sa usapin laban kay Supt. Marcos.  Inamin din niyang kakaiba ang kanyang naging pagkilos subalit nagdesisyon na rin siyang ibalik sa destino si Supt. Marcos sapagkat kulang sila ng mga tauhan sa iba't ibang larangan.


Nakakataas umano ng morale ng pulisya ang ginawa ni Pangulong Duterte kay Supt. Marcos.  Binanggit niya ang pahayag ng pangulo na kung magkakaroon ng problema ang alagad ng batas ay maasahan ang kanyang tulong.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino