Pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government ipinaliwanag

2017-07-28 10:08:44 CRI CRI

WALANG politika sa pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa isang press briefing sa Malacanang kanina.

Layunin lamang nilang maayos ang takbo ng pamahalaan. Ani G. Abella, ang Office of the Solicitor General ang siyang humahawak sa mga usaping may kinalaman sa Marcos ill-gotten wealth samantalang hawak ng Presidential Commission on Good Government ang administrative function.

Ayon sa panukala, mahahawakan na rin ng Office of the Solicitor General ang administrative functions at walang kinalaman sa politika, dagdag pa ni G. Abella.

Binanggit ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang panukala sa isang press briefing kahapon.

Kaisipan din ito nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Farinas kasama si Justice Committee Chair Reynaldo Umali at ipinaloob sa isang panukalang batas na naglilipat ng poder patungo sa Office of the Solicitor General.

Itinatag ni Pangulong Corazon Cojuangco Aquino ang PCGG noong 1986 upang habulin ang mga tagong-yaman nakamtan ng Pamilya Marcos. Dating saklaw ito ng Office of the President subalit inilipat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang poder sa Department of Justice noong panahon niya sa Malacanang.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino