Tatlong manggagawang Filipino, nasawi sa Saipan

2017-07-28 12:07:36 CRI CRI

NASAWI ang tatlong manggagawang Filipino sa Saipan matapos makalanghap ng nakamamatay na singaw mula sa isang poso negro noong mga unang bahagi ng Hulyo.

Ayon sa balitang nakarating sa Maynila, dalawa sa mga nasawi ang mula sa Davao City at mga tubero ng USA Fanter.

Naganap umano ang sakuna noong Biyernes, ikapito ng Hulyo. Nawalan ng malay ang isa sa tatlo samantalang nag-aayos ng poso negro may 24 na talampakan ang lalim. Pinagtangkaan ng dalawang kasamang iligtas ang una subalit nasawi rin sila.

Nakatakdang umuwi ang dalawa sa Pilipinas sa darating na Disyembre. Sinagot ng kumpanya ang gastos sa libing at tatanggap ng benepisyo mula sa Overseas Workers Welfare Administration sa pamamagitan ng death benefits at educational assistance para sa mga supling.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino