Kuryente, naibalik na sa mga napinsalang lalawigan

2017-07-28 20:22:05

BALIK na ang kuryente sa mga lalawigan ng Leyte, Bohol at Samar na niyanig ng napakalakas na lindol noong nakalipas na araw ngayong Hulyo.

Magugunitang nawalan ng kuryente ang mga lalawigan matapos yumanig ang napakalas na lindol kamakailan. Nagkaroon ito ng lakas na 6.5 (magnitude) sa Kanangga sa Leyte kamakailan.

Sinabi ng Department of energy na aabot sa 330 megawatts ang tutugon sa pangangailanan ng peak demand sa pangangailangan ng tatlong lalawigan na aabot sa 291 megawatts.

Mayroong 135 MW sa Ormoc substation, 40 MW mula sa Tonongan Geothermal Power Plant. Mayroon ding 20 MW mula sa iba't ibang embedded generation sources at ang karagdagang 135 metwatts,

Ang peak demand sa Leyte, Samar at Bohol ay umaabot sa 291 megawatts na pinaghahatian ng Leyte at Samar. Nangangailangan naman ang Bohol ng 81 MW.

Pinasalamatan ni Energy Secretary Al Cusi ang mga tumulong upang maibalik ang serbisyo sa mga mamamayan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino