Solicitor General humiling ng tulong sa Court of Appeals

2017-07-28 20:25:16

HINILING ni Solicitor General Jose Calida sa Court of Appeals na maglabas ng kautusan na magpapatupad ng desisyon ng isang hukuman sa Makati City na nagsasabing kailangang mapatalsik na ang realty firm na pag-aari ng mga Prieto at Rufino mula sa kontrobersyal na Mile Long Island.

Nagpadala ng urgent motion ang Office of the Solicitor General noong unang araw ng Hunyo na humihiling ng pagpapatupad ng isang desisyon noong 2015 ng Makati Metropolitan Trial Court laban sa Sunvar Realty Development Corporation. Sinabi pa ni Atty. Calida na ang mahistradong gagawa ng desisyon ay nanatiling walang pakialam at 'di kumilos ayon sa itinatadhana ng batas.

Idinagdag pa ni G. Calida na nakalulungkot ang ginagawa ng Sunvar Realty sa pamamalagi sa gusali na tinawag niyang Philippine Daily Squatter - isang biro sa kapatid na kumpanya ng mga Prieto, ang Philippine Daily Inquirer. May utang umano ang Sunvar na nagkakahalaga ng P1.656 bilyon sa 'di nabayarang upa. Hindi pa kasama rito ang interes.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino