Impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno, dinala na sa Mababang Kapulungan

2017-08-03 17:59:44

 

DINALA ng Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine Constitution ang kanilang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


May limang dahilang binanggit ang mga nagreklamo dahil sa betrayal of public trust, ani VACC Chairman Dante Jimenez.  Kasama niyang nagreklamo si Atty. Eligio Mallari, pangulo ng Vanguard of the Philippine Constitution.  May habang 16 na pahina ang kanilang reklamo at nagsabing lumabag sa Saligang Batas ang chief justice sa pagbuo ng Judiciary Decentralized Office at pagbubukas ng Regional Court Administration Office sa Central Visayas ng walang pahintulot ng buong Korte Suprema.  Napapaloob umano sa Saligang Batas na ang administrative supervision sa lahat ng mga hukuman at mga tauhan nito ay nasa poder ng buong Korte Suprema at hindi sa ilalim ng Chief Justice.  Walang poder ang chief justice na tanggalan ang buong hukuman ng constitutional duty na magkaroon ng administrative supervision sa lahat ng hukuman at mga tauhan at maging sa Office of the Court Administrator sa ilalim ng Presidential Decree 828 na tumulong sa Supreme Court na gamitin ang poder ng administrative supervision.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino