Secretary Dominguez, inutusan ang Bureaus of Customs at Internal Revenue na maghanap ng malalaking mandaraya

2017-08-03 18:00:49

 

KAILANGANG makahuli ng mga malalaking mandaraya sa buwis ang mga pinuno ng Bureau of Internal Revenue at Customs.  Umaabot umano sa bilyun-bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bansa.


Nagtagumpay ang pamahalaan sa paghahabol ng buwis mula sa Mighty Corporation na naging dahilan ng pinakamalaking pagbabayad ng buwis sa kasaysayan ng bansa.


Ang kautusan ni Secretary Carlos Dominguez III ay kasunod ng utos ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang State-of-the-Nation Address na tanggapin na ng Department of Finance ang alok ng Mighty Corporation na P 25 bilyon nakumakatawan sa kakulangan sa kanilang excise at income taxes kasabay ng pagsasara ng kanilang kalakal.


Kailangang makahuli ng “big fish” ang Bureau of Customs sa ilalim ni Commissioner Nicanor Faeldon at Bureau of Internal Revenue Commissioner Ceasar Dulay sa katatapos na Department of Finance executive committee meeting.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino