Dating Vice President Jejomar Binay, anak na dating punonglungsod, kinasuhan

2017-08-03 18:27:57

INATASAN ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kanyang mga tauhan na pormal na kasuhan sina dating Vice President Jejomar Binay at ang kanyang anak na dating punonglungsod ng Makati na si Jejomar Binay, Jr. sa anomalyang naganap sa pagtatayo ng P 1.3 bilyong Makati Science Building.

Sa hiwalay na resolusyon na sinangayunan noong unang araw ng Agosto, sinabi ni Morales na mananagot ang mga Binay sa apat na paglabag sa graft and corruption laws at tatlong paglabag sa batas sa pagpapalsipika ng mga dokumento.

Ang panukalang proyekto sa Makati Science High School sa Kalayaan Avenue ay may taas na sampung palapag at may apat na palapag bilang mga dormitoryo.  Natapos ang proyekto at naging sampung palapag na gusali lamang.

Maliban sa mag-amang Binay, may 19 na iba pang kinasuhan.

Samantala, sinabi ni G. Joey Salgado, tagapagsalita ng mga Binay na mayroong selective prosecution na naganap sapagkat hindi pinansin ng Ombudsman ang tugon ng mag-ama sa mga akusasyon laban sa kanila.

Umaasa ang mag-ama na sa pamamagitan ng patas na paglilitis, maliliwanag nila ang kanilang mga panig at malilinis ang kanilang mga pangalan at maipagtatangol ang kanilang sarili sa walang basehang akusasyon ng Ombudsman.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino