Bureau of Custoims, kumuha ng mga manlalaro ng basketball at volleyball bilang intelligence operatives

2017-08-03 18:29:02

KUMUHA umano ang Bureau of Customs ng may 28 professional basketball at volleyball players na itinalaga sa iba't ibang posisyon upang makapaglaro sa kanilang koponan.

Ipinakita ni Batangas Rep. Raneo Abu ang sipi ng Customs Special Order No. 58 sa pagdinig sa Mababang Kapulungan sa kontrobersyang bumabalot sa P 6.4 bilyong shabu na nakalusot sa pag-susuri ng Bureau of Customs.

Ang ilan sa mga pangalan ay mayroong ibang spelling.  Kabilang sa mga kinuhang tauhan ay sina Kenneth Duremdes, Marlo Aquino, Dave Arguelles, Edward Joseph Fiehl at iba pa.

Autorisado si Atty. Mandy Anderson, chief of staff ni Commissioner Nicanor Faeldon na lumagda sa daily time record.  Ikinagulat ng mambabatas ang pagkuha sa mga manlalaro bilang mga tauhan samantalang sinabi rin ng commissioner na programa nila ang pagbabago.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino