Mga kalihim ng ugnayang panglabas ng ASEAN nababahala sa nagaganap sa Korean Peninsula

2017-08-07 18:42:12

 

NAGKAKAISANG sinabi ng sampung foreign ministers ng ASEAN na nakababahala ang mga nagaganap sa Korean Peninsula dahilan sa mga ginawang pagsubok ng mga sandatang nukleyar ng Hilagang Korea.


Sa isang pahayag na binasa ni Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, binanggit ng mga foreign minister ang mga pagsubok na ginawa ng Democratic People's Republic of Korea noong ika-apat at ika-28 ng Hulyo at ang dalawang nuclear tests noong nakalipas na taon.


Ayon sa kanilang pahayag, sinabi ng mga ministro na nakababahala ang mga pagsubok na ito sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at ng daigdig.


Nanawagan sila sa Democratic People's Republic of Korea na sumunod sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.


Kailangang maganap ang pagbabawas ng sandatang nukleyar sa Korean Peninsula sa isang payapang paraan.  Suportado rin ng ASEAN ang pag-uusap ng magkabilang panig sa Korean Peninsula.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino