Makabuluhang pulong hinggil sa Code of Conduct, inaasahang magaganap

2017-08-07 18:43:18

1 ASEAN SPECIAL REPORT

 

PUNONG-ABALA ang Pilipinas sa pagdaraos ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations na dinadaluhan ng mga kalihim ng ugnayang panglabas ng iba't ibang bansa mula noong nakalipas na Miyerkoles na kinatampukan ng mga paghahanda at pagpupulong sa Philippine International Convention Center.


Matapos ang ASEAN Ministerial Meeting noong Sabado at ang mga bilateral meeting ng ASEAN at dialogue partners kahapon, naglabas ng communiqué ang sampung kasapi ng pangrehiyong samahan.


Ngayong araw na ito idinaraos ang pulong ng ASEAN foreign ministers at mga kasapI sa ASEAN Regional Forum.


Na sa Maynila na sina Australian Foreign Minister Julie Bishop, Minister Abul Hassam Mahmood Ali ng Bangladesh, Canadian Foreign Minister Chrystia Freeland, Chinese Foreign Minister Wang Yi, Democratic People's Republic of Korea Foreign Minisger Ri Yong-ho, European Union High Representative of the Union for Foreign Affairs and Security Policy and Vice President ng European Commission Federica Mogherini, Indian Minister of State for External Affairs Vijay Kumar Singh, Japanese Foreign insiter Taro Kono, Mongolian Minister of Foreign Affairs Tsend Munkh-Orgil, Korean Foreign Minister Kang Kyung-wha, New Zealand Minister of Foreign Affairs Gerry Brownlee, Pakistani Adviser to Prime Minister on Foreign Affairs Sartak Aziz, Papua New Guinea Minister of Foreign Affairs and Immigration Rimbink Pato, Russian Minister of Foreign Affairs Sergey Victorich Lavrov, Sri Lankan Minister of Foreign Affairfs Ravi Karunanayake, Timor Leste Minister of Foreign Affairs and Cooperation Hernani Coelho at US Secretary of State Rex W. Tillerson,


2 Makabuluhang pulong hinggil sa Code of Conduct, inaasahang magaganap

 

SINABI ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nagtutulungan ang kanyang bansa at ang ASEAN mula pa noong nakalipas na taon at kinikilala na ang pagtutulungang ito ang nagpahusay ng kalagayan ng South China Sea.


Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos makausap ang ASEAN Foreign Ministers kahapon sa Philippine International Convention Center na gumagaan na ang kalagayan ng South China Sea.


Nagkasundo na ang mga foreign minister ng ASEAN at Tsina na ipasa ang draft Code of Conduct framework na siyang magiging sandigan sa mas makabuluhang mga konsultasyon hinggil sa Code of Conduct of Parties in the South China Sea.


Nag-alok ang Tsina ng tatlong mahahalagang hakbang.  Una ang pagsang-ayon ng mga foreign minister ng ASEAN sa draft framework ang magiging dahilan ng mga konsultasyon sa loob ng taong 2017.


Pangalawang hakbang ang pagtatakda sa huling araw ng Agosto sa joint working group meeting sa pagpapatupad ng Code of Conduct, pag-uusapan ang prinsipyo at balak sa mga susunod na konsultasyon. 


Ang pangatlong hakbang ay sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ng South China Sea sa katatagan nito lalo pa't walang puwersang makikialam mula sa labas ng rehiyon, pag-uusapan sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa sa darating na Nobyembre, magaganap ang pagpapahayag kung kailan magsisimula ang konsultasyon sa Code of Conduct.


Idinagdag ni G. Wang na ang Tsina at ASEAN ay may kakayahang magtulungan at magpanatili ng kapayapaan sa rehiyon.  Higit umanong gaganda ang relasyon ng Tsina at ASEAN bukod sa kaunlarang magaganap ay magkakaroon ng comprehensive strategic partnership.


Sa tanong kung anong masasabi sa mga pahayag ng Vietnam, sinabi ni G. Wang na hindi ugali ng Tsina na magbigay ng reaksyon sa pahayag ng iba't ibang bansa.


Ipinaliwanag pa niyang sa kanyang pakikipagpulong sa sampung foreign ministers ng ASEAN, nadama niya ang kanilang positibong pananaw hinggil sa South China Sea.  Malayo umano ang nagaganap ngayon kaysa noong naganap sa Vientiane sa Laos noong nakalipas na taon. 


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino