ASEAN, umaasang higit na magiging malapit sa Tsina

2017-08-07 18:44:52

  

KINIKILALA ng ASEAN ang lumalaking papel na ginagampanan ng Tsina sa Asia.  Ayon sa bahagi ng 46 na pahinang communiqué ng ASEAN Foreign Ministers, ang kaunlarang nakakamtan ng Tsina ay napakikinabangan din ng kani-kanilang mga bansa.


Inilabas ang communiqué kagabi.  Kailangang isulong ng ASEAN at Tsina ang economic integration at ang pagkakaroon ng high-level dialogues at pagpapalitan ng mga pananaw sa pagitan ng dalawang grupo.


Mahalaga ang pagkakabisa ng “Protocol to Amend the Framework Agreement on Comprehensive Economic Cooperation and Certain Agreements” sapagitan ng ASEAN at People's Republic of China.  Kilala ang dokumentong ito sa pangalang ACFTA Upgrade Protocol.  Magkakahalaga ang kalakalan ng Tsina at ASEAN ng US$ 1 trilyon at investments na aabot sa US$ 150 bilyon sa taong 2020.


Umaasa rin ang ASEAN sa pagpapatupad ng ASEAN - China Air Transport Agreement.  Ipinagpasalamat din nila ang deklarasyon ng 2018 bilang “Year of Tourism Cooperation.”


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino