Dalawang paraan lamang ang magagamit sa pagbabago ng saligang batas

2017-08-10 18:08:30

SINABI ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na dadalawa lamang ang paraan ng pagsusog sa Saligang Batas.  Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na ang isa ay ang paghalal ng mga dadalo sa Constitutional Convention at ang Kongreso na magiging isang constituent assembly na tatawagin bilang constituent assembly.

Ang panukalang constitutional commission ay isang lupon lamang na mag-aaral at magsusumite sa Kongreso ng mga panukalang probisyong sususugan ayon sa kagustuhan ng pangulo.

Binanggit ni G. Drilon na noong siya pa ang pinuno ng Committee on Constitutional Amendments, sinabihan siya ng executive secretary na naghahanda sila ng mga papangalanang makakasama sa constitutional commission.

Hindi pa niya nababatid kung anong anyo ng mga sususugang bahagi ng saligang batas.  Wala pa rin siyang nababalitang hinirang para sa pag-aaral ng mga probisyon sa Saligang Batas ng 1987.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino