Dalawang pulis, nasawi sa ambush sa Catanduanes

2017-08-10 18:09:54

NASAWI ang dalawang tauhan ng pulisya sa Catanduanes matapos tambangan ng mga pinaghihinalaang kasapi ng New People's Army kanina.

Ayon sa naunang balita, kaninang pasado alas onse ng umaga, samantalang naglalakbay ang mga tauhan ng pulisya sakay ang sampung sumukong drug victims, sumabog ang isang improvised explosive device at nasundan ng putok mula sa may 20 armadong NPA.  Nasugatan umano ang isang pulis at dalawang sumukong drug dependents.

Sa follow-up report, tumugon si Police Sr. Inspector Montes at nakabalik sa kanyang tanggapan.  Nabatid na sa sumunod na sagupaan, napaslang ang dalawang pulis samantalang isinugod si Sr. Inspector Montes sa Viga District Hospital upang magamot sa tama ng balang natamo sa sagupaan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino