Mga Filipino, patuloy na bumibili ng mga sasakyan

2017-08-10 18:11:01

IBINALITA ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI) at Truck Manufacturers Association na tumaas ang kanilang benta noong nakalipas na Hulyo at umabot sa 36,951 units na lumago ng 23.3% kaysa benta noong nakalipas na Hulyo noong nakalipas na taon.  Umabot na ang kanilang benta ng mga sasakyan mula unang araw ng Enero hanggang sa huling araw ng Hulyo sa 233,115 units.

Pangpasaherong kotse pa rin ang pinakamataas sa bilang na 12,701 units at may mataas ng 13.1% sa 11,230 units na nabili noong nakalipas na taon.  Ang commercial vehicles naman ay kinakitaan ng 29.4% dagdag mula sa nakalipas na taon sa pagkakaroon ng 24,250 units na mataas kaysa 18,737 units.

Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI na nagbabantay sila sa mga magaganap sa huling bahagi ng taon.  Samantalang ang buwanang benta ng mga sasakyan ay nananatiling matatag, hindi pa rin nagbabago ang kanilang overall market outlook.  Umaasa rin siyang makaakmtan ang kanilang target hanggang sa matapos ang taon.

Nakamtan ng Toyota Motor Philippines Corporation ang 44.1% ng merkado at sinundan ng Mitsubishi Motors Philippines Corporation sa pagkakaroon ng 17.65%.  Pangatlo ang Ford Motor Company sa bentang umabot sa 8.44% samantalang natamo ng Isuzu Philippines Corporation na mayroong 6.9% at nasusundan ng Honda Cars Philippines na mauroopng 6.78%.

Kabilang na rin sa CAMPI ang BAIC, isang kumpanyang mula sa Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino