Pangulong Duterte, handang sumuporta sa impeachment

2017-08-14 20:41:49

SUSUPORTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang posibleng impeachment complaint upang maituwid ang mga nagaganap sa pamahalaan at mapawi na ang katiwalian.  Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Mindanao Hour kanina.

Tinanong si G. Abella kung susuportahan ng pangulo ang impeachment complaints laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Wala namang binanggit si G. Abella subalit niliwanag niyang suportado ng pangulo ang anumang pagkilos upang maayos ang takbo ng pamahalaan.

Isa umano ang bagay na ito sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noon pa mang nangangampanya siya.

Nabanggit na ni dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras na siya sa ang magrereklamo at hihiling na alisin sa puesto ang chairman ng Commission on Elections dahil sa pagkakamal ng sinasabing ill-gotten wealth tulad nang ibinunyag ng kanyang maybahay na si Patricia Paz Bautista.

Tumanggi si G. Abella na magpahayag sa sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magbibitiw na si Chairman Bautista  dahil sa isyu.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino