Kasambahay na pinahirapan ng amo, nagwagi sa kaso

2017-08-14 20:43:00

HINATULAN ng isang hukuman sa Quezon City ang isang babaeng napatunayang nagpahirap sa kanilang kasambahay na iligal nilang piniit sa kanilang tahanan.

Sa kautusan ni Judge Ferdinand Baylon ng Regional Trial Court Branch 77, hinatulan si Annaliza Marzan  sa usaping serious illegal detention sa kanilang kasambahay na si Bonita Baran.  Makukulong si Marzan ng mula 20 hanggang 40 taon. Matapos makulong ng 30 taon, maaari siyang humingi ng kapatawaran sa pamahalaan.

Samantalang makukulong din ang kanyang mister na si Reynold na napatunayng nagkasala bilang accomplice at mabibilanggo ng walo hanggang 14 na taon at isang araw.

Inakusahan ni Bonita Baran ang mag-asawa noong ika-23 ng Agosto, 2012 ng pagkukulong sa kanya sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.  Napatunayan ng hukumang nagsabwatan ang mag-asawa sa dalawang pagkakataon na pagbawalang umalis ang kasambahay noong 2009 at 2012.  Pinayagan lamang ng mag-asawa na makaalis ang kasambahay noong Mayo ng 2012.

Inutusan ng hukuman ang mag-asawa na magbayad ng moral damages na nagkakahalaga ng P 50,000 at exemplary damages na nagkakahalaga rin ng P 50,000. 

Ayon sa hukuman, hindi magbibigay ng hatol sa pagkawala ng paningin sapagkat may ibang hukumang naglilitis sa kasong serious physical injury na nag-ugat sa reklamo ng dating kasamabahay.

Si Atty. Persida Rueda-Acosta, pinuno ng Public Attorney's Office ang tumulong kay Bonita Baran sa panahon ng paglilitis.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino