Hostage ng Abu Sayyaf, nailigtas

2017-08-14 20:44:12

ISANG manggagawang dinukot ng Abu Sayyaf ang nailigtas ng mga kawal sa Basilan kanina.

Ayon sa Western Mindanao Command, natagpuan ng mga kawal si Edmundo Ramos, kilala sa pangalang Moymoy ng mga tauhan ng Joint Task Force Basilan sa Tapiantana, Basilan kaninang ala-una ng umaga.

Dinala siya sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City upang masuri. 

Dinala si Ramos sa Basilan matapos makatakas kasama ang tatlong iba pa mula sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.  Nakatakas sila mula sa kamay ng mga armado sa pagpapatuloy ng military operations sa Sulu. 

Natagpuan din ang kanyang mga kasama noong nakalipas na Biyernes, ika-11 ng Agosto sa Talipao, Sulu.

Magugunitang dinukot ang mga biktima sa Barangay Bangkal, Sulu noong ika-15 ng Hulyo.  Pawang trabahador sa isang construction firm mula sa Guiwan, Zamboanga City at magtatrabaho sana sa Provincial Sports Complex sa Barangay Bangkal ng dukutin ng mga Abu Sayyaf.

Mayroon pang 15 mga banyaga at apat na Filipino na hawak ang Abu Sayyaf.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino