Operasyon ng pulisya sa Bulacan, ikinasawi ng 32 katao

2017-08-16 20:16:30 CRI

MAGPAPATULOY ang kampanya ng pulisya sa Bulacan upang masupil ang bawal na gamot. Ito ang sinabi ni Police Sr. Supt. Romeo M. Caramat, Jr., provincial police director ng Bulacan sa isang briefing sa Campo Crame kanina.

Ipinaliwanag ni G. Caramat na sinimulan nila ang malawakang kampanya laban sa ilegal na droga hatinggabi kahapon hanggang kanina sa tatlong lungsod at 21 bayan.

Nagsagawa sila ng 49 na buy-bust operations na naging dahilan ng 20 sagupaan, nagdala at nagpatupad ng search warrant sa 14 na pook na naging dahilan ng limang sagupaan, dalawang anti-criminality checkpoint na dahilan ng isang sagupaan at pagdadala ng isang warrant of arrest.

Umabot sa 107 katao ang nadakip samantalng 32 ang napaslang. Nakasamsam sila ng 376 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng higit sa isang milyon at isang daang libong piso at mga dahon ng marijuana. Nakasamsam din sila ng 34 na sandata, dalawang granada at 114 na bala.

Ipinaliwanag ni Sr. Supt. Caramat na 26 ang napaslang sa sagupaang naganap sa buy-bust operations, lima naman ang nasawi sa pagpapatupad nila ng search warrant at isa ang nasawi sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng police sacheckpoint.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino