Mga magmamanok, nalulugi ng halos P 5 milyon bawat araw

2017-08-16 20:19:50 CRI

Mga magmamanok, nalulugi ng halos P 5 milyon bawat araw
AABOT SA P 5 MILYON ANG LUGI SA BAWAT ARAW. Ito ang sinabi ni Candaba Mayor Danilo Baylon (kaliwa) sa idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido" mula ng magkaroon ng Avian Flu alert sa Pampanga. Niliwanag niyang nawalan ng interes ang mga mamimili sa pangambang magkakasakit sa oras na kumain ng manok at itlog mula sa Pampanga. (Melo M. Acuna)

NALULUGI ang mga na sa industriya ng manok sa Candaba, Pampanga dahil sa pangamba ng mga mamimili sa masamang epekto ng Avian Influenza. Aabot sa P 5 milyon araw-araw ang nawawala sa mga nag-aalaga manok.

Ito ang binanggit ni Mayor Danilo Baylon ng Candaba sa katatapos na "Wednesday Roundtable @ Lido."

Nanawagan siyang masuri kaagad ang situwasyon at mabigyan ng clearance ang dalawang kawani na sinasabing nagkalagnat. Ani Mayor Baylon, marami namang sinisipon at nilaglagnat ngayon dahil sa pagbabago ng panahon.

Nawala umano ang demand sa mga produkto nila mula sa manok, itlog at maging sa mga balut at penoy na mula naman sa kanilang mga itik.

Ang Candaba ay nasa labas ng pitong kilometrong surveillance area ng Bureau of Animal Industry. Sa likod ng pagmamatyag ng mga dalubhasa at mga tauhan ng pamahalaan, nawalan ng ganang bumili ang mga mamamayan ng kanilang mga produkto.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino