Ekonomiya, gumanda sa ikalawang tatlong buwan ng 2017

2017-08-18 09:20:10

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng may 6.5% sa ikalawang tatlong buwan ng taong 2017.  Ito ang ibinalita ni Socioeconomic Planning Undersecretry Lisa Grace S. Bersales sa isang press briefing na dinaluhan din ni Secretary Ernesto M. Pernia kaninang umaga.

Nagsulong ng ekonomiya ang manufacturing, trade, real estate, renting at business activities sa ikalawang tatlong buwan ng taon.

Kabilang sa major economic sectors ang industry na nakapagtala ng 7.3% at bumagal naman ang services at natamo ang 6.1% kung ihahambing sa 8.2% na nakamtan noong ikalawang tatlong buwan ng 2016.

Nakabawi ang pgsasaka sa pagkakaroon ng 6.3% growth mula sa negative 2.0% noong nakalipas na taon.

Sa naturang briefing, sinabi ni National Statisticin at Civil Registrar General Bersales n ang Net Primary Income from the Rest of the World (NPI) ay lumago ng 8.6% kung ihahambing sa 6.1% growth na naitala noong 2016.

Ang Gross National Income o GNI ay kinakitaan ng paglago ng 6.8%.  Sa pagtataya na aabot sa 104.5 milyon ang mga Filipino sa pagtatapos ng Hunyo ng 2017, lumago ang per capita GDP na may 5.0%.  Ang per capita GNI ay umabot sa 5.3% at ang per capita Household Final Consumption Expenditure (HFCE) ay lumago ng 4.4%.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino