Senate Committee on Banks, magsasagawa ng pagdinig

2017-08-18 09:21:09

MAGKAKAROON ng pagdinig ang Senate Committee on Banks sa susunod na linggo upang mabatid kung may katotohanan ang mga akusasyon ng ill-gotten wealth laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Nagpaabot ng mga resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sina Senador Vicente Sotto III at Panfilo Lacson hinggil sa posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Act ng Luzon Development Bank.

Magugunitang sinabi ni Patricia Paz Bautista, maybahay na kahiwalay ni Chairman Bautista na mayroong higit sa 30 bank accounts na naglalaman ng balanseng P 329 milyon.  Ayon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth, mayroon lamang P 176.3 milyon si G. Bautista.

Ayon kay Senador Francis Escudero, chairman ng committee on banks, kung nanaisin ni Chairman Bautista na dumalo sa pagdinig ay malaya siyang makadadalo.  Ang aanyayahang dumalo sa pagdinig ay ang Luzon Development Bnk, Anti-Money Laundering Council, Bangko Sentral ng Pilipinas at ang National Bureau of Investigation.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino