May 25 katao ang napaslang sa mga operasyon laban sa krimen sa Maynila

2017-08-18 09:22:05

UMABOT sa 25 katao ang napaslang samantalang may 70 ang nadakip sa hiwa-hiwalay na operasyon ng pulisya sa nakalipas na 24 na oras sa Maynila.

Ayon kay Supt. Edgar Margarejo, tagapagalita ng Manila Police District, tinatapos pa ng kanilang mga tauhan ang pormal na ulat hinggil sa kanilang mga nagawa.

Sinimulan ang operasyon kahapon hanggang kaninang umaga at nabatid na ang pinakamaraming napaslang ay sa nasasakupan ng Central Market Police Station na nagkaroon ng lima, Moriones-Tondo Police Station at Malate Police Station na nagkaroon ng tig-aapat.

May 24 na drug suspects ang nadakip sa Moriones Police Station at sinundan ng Sampaloc Police Station na nagkaroon ng 23.

Sinabi ni Deputy Director General Tomas Apolinario, ang deputy chief for administration ng PNP na ang lahat ng ginawa ng pulis ay lehitimong operasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino