PNP Chief dela Rosa, inatasan ang CIDG na magsagawa ng imbestigasyon

2017-08-21 16:47:12

 

MAGKAKAROON din ng pagsisiyasat ang Criminal Investigation and Detection Group sa naganap kay Kian Loyd delos Santos.


Sa panayam sa radyo, sinabi ni General Ronald dela Rosa na maliwanag ang kanyang utos sa kanyang mga tauhang madaliin ang imbestigasyon. 


Nangongolekta pa ng ebidensya upang makasauhan ang mga pinaniniwalaang nasa likod ng pagpaslang.  Hinahanap na rin ng CIDG ang close circuit television footages kasama ng mga sandata ng mga tauhan ng pulisya.  Ipadadala na sa Crime Laboratory ang mga sandata.


Sinabi rin ni Chief Supt. Dionardo Carlos na kailangang alisin sa puesto si Sr. Supt. Chito Bersaluna kahit walang direktang kinalaman sa pangyayari upang maiwasan ang pagdududa ng madla.  Na sa restrictive custody ang mga tauhang sangkot sa krimen sa ilalim na National Capital Regional Police Office, ayon naman kay Director Oscar Albayalde.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino