Mga protesta at pagtitipon hinggil sa Kian Loyd delos Santos, magkakaroon din ng coverage

2017-08-21 16:50:00

 

SINABI ni Secretary Martin Andanar, ang pinuno ng Presidential Communications Operations Office na magkakaroon ng coverage ang mga gagawing pagtitipon mula ika-apat ng hapon kanina sa Caloocan City hanggang sa sumapit ang ika-anim ng gabi sa Edsa People Power Monument.


Ito ang tugon ni Secretary Andanar sa tanong kung magkakaroon ng coverage ang mga media outlet ng pamahalaan sa mga nakatakdang pagtitipong ito.  Ipinaliwanag niyang maayos ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging objective ang coverage ng mga media outlet ng pamahalaan.


Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat hinggil sa fake news, mga nagaganap sa media at ang isyu ng pagmamay-ari ng mga media outlet ng mga malalaking negosyante.


Sinabi rin ni G. Andanar na pinahahalagahan ni Pangulong Duterte ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa kaya't bumuo ng Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Undersecretary Joel Sy-Egco.


Samantala, sinabi rin ni Secretary Andanar na malaking tulong ang nagmumula sa mga dalubhasa sa larangan ng pamamahayag at broadcast sa China, Singapore, Malaysia, Australia at maging sa United Arab Emirates.  Nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga bilateral agreement ang Pilipinas sa mga bansang dinadalaw ni Pangulong Duterte upang higit na gumanda ang kalakaran at paraan ng pagpaparating ng impormasyon tungo sa mga mamamayan.


Hinggil naman sa kontrobersyang kinakaharap ng Philippines News Agency, bumubo na si Secretary Andanar ng editorial board na magsasala ng mga balitang ilalabas ng tanging ahensya ng pamahalaan na pinagtitiwalaan ng iba't ibang himpilan ng radyo't telebisyon at maging mga ibang bansa.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino